Tuesday, March 18, 2008

Finally, Moved On

There's a million different ways to prove to the whole world that you've finally moved on. Kung minsan ilang beses nating pinaniwala ang sarili natin that we've moved on. Pilit nating tinatago ang sakit, because we want to move. At sa mga oras na akala nating nalimutan na natin ang isang taong naging malaking bahagi ng buhay mo, saka mo malalaman na hanggang ngayon hindi pa rin siya nawala sa ulirat. Nandoon pa rin ang mga alaalang pilit nating binabaon sa limot. Nandoon pa rin ang saya at mga hapdi ng mga araw na pinagsaluhan. Akala natin umusad na tayo, akala natin hindi na tayo nasasaktan, akala natin hindi na natin mahal siya.

Ilang beses ko na ring kinumbinse ang sarili ko na its all over. Mahirap at masakit but i know the pain would be worth it. Hindi ganoon kadali kalimutan ang isang kahapong boung buhay mong pinapangarap na maging kinabukasan. But I tell you, the pain makes you a better person. Habang dinadama mo ang kirot, you will learn that your life does not revolve around that person. Later, you will realize that before you can love others, dapat mo munang matutunang mahalin ang sarili mo. That's the most important thing--ang matutunan mong pahalagahan ang sarili mo.

Nandyan na ako sa poin na iyan. I thought wala ng saysay ang lahat, napagod rin ako sa kaiisip kung paano ibalik ang dati, hanggang sa nagising ako isang araw, may mas mahalaga pa pala kaysa kanya. Kaya heto ako ngayon, masaya naman. Tanggap ko na that we're better off as friends. Mahalaga sa aking ang friendships, kaya hindi ko basta tinatapon ito. Kahit papaano, hindi pa rin nawala ang respeto namin sa isat-isa.

I would say na nakusad na rin ako sa wakas. Dahil ngayon, isa na lang syang bahagi ng nakaraan ko. Isang nakaraang hindi ko na dapat balikan.

I have moved on. and I will never commit the same mistake again. Ayoko ng maging miserable uli ang buhay ko.

No comments: