
Ang bilis ng panahon, halos mamatay na ko sa kakahabol ng kung anu-ano at kung sinu-sino. Hindi ko nga alam kung paano isa-isahin ang mga problema. Hindi naman ako sumusuko kaagad. Sa sobrang dami ng problema ko, hindi ko na alam kung paano simulan. Nakakainis nga lang kung minsan dahil naaawa na ako sa sarili ko. i know that's the worst thing na nagawa ko sa buhay ko, but i cant help na maawa sa sarili ko, because the fact is, UNFAIR talaga ang mundo. ITS VERY UNFAIR.
i don't want to enumerate kung bakit, dahil kukulangin ang space na ito. basta, unfair talaga ang buhay. Naniniwala din akong hindi lahat ng bagay na gustuhion ng isang tao ay matutupad, wika nga nila, You can't have it all. May iba diyan swerte sa pag-ibig, malas naman sa pera. ang iba naman ay swerte sa pera, malas sa pag-ibig. Pero paano kung malas ka na sa pera, malas ka pa sa pag-ibig, ano ang tawag doon? diba unfair. nakakainis ang ganitong sitwasyon.
Sa totoo lang, ilang beses ko ring inisip na mag-give up, pero hindi ko lang talaga kayang panindigan. minsan, inisip kong huminto, alam mo na financial problems. pero on the other side of the coin, i keep on convincing myself that these are all challenges. parte lang ito ng libu-libo pang mga bagyo, at baha ng buhay.
unfair ang world, dahil i don't have the money to buy the things that i need for school. unfair dahil wala akong maipagmamalaki sa mga tao. unfair dahil sarili ko di ko kayang protektahan. unfair dahil sa akin lahat ng mahirap na problems. unfair dahil lahat na lang puro kamalasan na lang ang dumarating sa buhay ko.
ilang beses na akong umiyak, humiling na sana magkaiba naman ang takbo ng mundo. Sana ako naman doon. Sobra na kasi if lagi ka na lang nasa ibaba, at walang magawa kundi magtiis na lamang. Unfair talaga dahil kahit anong pilit kong gawin, naaawa pa rin ako sa aking sarili.
pero kahit ganoon pa man, lumalaban ako at umaasang malagpasan ang laban na ito. hanggang ngayon, naniniwala pa rin akong may DIYOS, at maririnig din niya ang daing ko.

No comments:
Post a Comment