Friday, December 07, 2007

sana nga lang

There are so many ifs in my mind. What if ganito? what if ganyan. Ganito na lang palagi ang iniisip ko. I don't know what's really wrong. Ang hindi ko lang maintindihan sa sarili ko ay kung bakit hanggang ngayon, paniwalang-paniwala ako na kaya kong magdesisyon sa isang sitwasyong mahirap pagdesisyunan. I mean, gustuhin ko mang magdecide ng tama para sa sarili ko, ay hindi ko magawa. Sana ganoon kadali ang kalimutan siya. Sana wala ng bahid ng sakit at kalungkutan kung hahayaan ko na lang siya. Sana parang wala lang ang lahat. Hanggang ngayon, pilit kong maghanap ng kasagutan sa mga katanungang bumabagabag sa akin.

Kahit ilang beses ko mang sabihin sa sarili ko na hindi na pwede, ay hayun sige pa rin. Mahal ko pa rin siya kahit alam kong sobra na. Mahal ko pa rin siya kahit alam kong mali na. I still cannot figure out kung bakit. There were times na halos hindi na ako maka-isip ng tama dahil sa kanya. Gulung-gulo pa rin ako, at hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit.

Three years na ang nagdaan. At sa loob ng tatlong taon na iyon, ang dami ng nangyari. May awayan, batian at kung anu-ano pa. There were moments ng kiligan, inisan at iyakan. Sa lahat ng iyon, wala akong pinagsisihan. Ilang beses mang nasaktan, there were still times na naging masaya ako -- at hindi ko yun malilimutan.

I hope, tama pa rin ang decision ko, at sana kaya kong ipaglaban siya. San lang.

No comments: